MANILA, Philippines - “Indefinite†o walang petsang tinukoy kung hanggang kailan ang pag-iral ng temporary restraining order (TRO) sa implementasyon ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 matapos na ito ay palawigin muli ng Korte Suprema.
Ito ang sinabi ni Atty. Gleo Guerra, tagapagsaÂlita ng SC na tatagal ang panibagong TRO hanggang walang panibagong kautusan.
Napag-alaman na noong Oktubre 9, 2012 nang magpalabas ng 120 days na TRO ang SC na tatagal sana hanggang ngayon.
Nauna nang hiniling ng 15 mga petitioner sa pangunguna ng National Press Club (NPC), National Union of Journalist of the Philipines (NUJP) at ilang mga militanteng grupo na panatilihin na lamang ang implementasyon ng TRO.
Pinababasura rin ng mga ito ang kontrobersyal na batas dahil sa nilalabag nito ang freedom of expression ng mga gumagamit ng social media.