3 sunog sa Maynila

MANILA, Philippines - Tatlong insidente ng sunog sa Maynila sa loob lamang ng isang araw ang naitala.

Unang insidente ang paglamon ng apoy sa  sampung kabahayan sa Masangkay St., Sta.Cruz, Maynila, dakong ala-1:04 ng madaling araw  kahapon na tumagal lamang ng 30 minuto at tinatayang nasa P300,000 ng ari-arian ang napinsala at 20 pamilya ang naapektuhan.

Pagkalipas ng humigit kumulang na kalahating oras ay tatlong bahay naman sa Balic-balic, Sampaloc ang nasunog at dakong alas- 3:00 ng madaling-araw nang ideklarang fireout

Kahapon ng hapon dakong ala-1:10 na isang bodega ng mga tela sa panulukan ng Juan Luna at Perla Sts., sa Tondo na pag-aari ng isang Daisy Ong ang nasunog na umabot sa ikatlong  alarma.

 

Show comments