100,000 Senior citizen nabibiyayaan sa Caloocan

MANILA, Philippines - Umaabot na sa mahi­git isandaang libong (100,000) mga senior citizen ang natutulu­ngan ng administrasyon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa iba’t ibang paraan.

Ayon kay Echiverri, ang nasabing bilang ng mga senior citizen ay nakatatanggap ng tulong sa lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang paraan ma­ging ito man ay tungkol sa sosyal na aspeto ng buhay ng mga nakatatanda.

Sa ilalim ng adminis­trasyon ni Echiverri, na­itatag ang Christian Com­munity ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) na kung saan ay isang beses sa isang linggo na nagkakaroon ng bible study ang mga senior citizen.

Layunin ng progra­mang ito na mabigyan ng kaalaman ang mga nakatatandang residente na matutunan ang mga Salita ng Diyos at natututo rin ang mga senior citizen na maibahagi ang kanilang mga karanasan sa buhay.

Bukod sa naibabahagi ng mga senior citizen ang kanilang mga karanasan sa buhay ay nalalaman din ng mga ito kung paano maitatama ang mga pagkakamaling kanilang nagawa sa buhay.

Ayon naman sa tanggapan ng President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC), bukod sa 20% discount na nakukuha ng mga senior citizen sa pagbili ng gamot ay nakakakuha rin ang mga ito ng libreng pagkonsulta sa doktor at pagsailalim sa iba’t ibang eksaminasyon habang nagtutungo rin ang mga health workers sa iba’t ibang barangay upang makapagbigay ng serbisyo sa mga nakatatanda.

 

Show comments