MANILA, Philippines - Hindi nangangamba ang mga solons na makakaapekto sa kanilang boto ang pagsuporta nila sa Reproductive Health at Dynasty Bill.
Ito ang sinabi ni House Deputy Speaker Erin Tañada, dahil ang mga nagdaang eleksyon ay walang naitalang soliÂÂdong boto mula sa panig ng mga Katoliko.
Inayunan naman ito ni Isabela Rep. Rodolfo Albano at sinabing mismong ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang umamin na walang catholic votes.
Nakiusap naman si House Minority Leader Danilo Suarez na dapat irespeto ng CBCP ang anumang maiinit na batas na dinesisyunan na ng Supreme Court.
Binigyang diin pa ni Suarez na mahirap ikampanÂya ng simbahan na huwag iboto ang mga kandidatong humaharang sa Anti-Dynasty bill dahil karamihan umano dito ay anti-RH.