MANILA, Philippines- Isa na namang karahasan sa kabila ng umiiral na election gunban ng CoÂmelec ang naiulat matapos barilin at mapatay ang isang 50-anyos ng hindi pa kilaÂlang suspek kamakalawa ng hapon sa isang palengke sa Salug, Zamboanga Del Norte.
Ang biktima ay kinilalang si Suelo Gallogo, naninirahan sa Poblacion East sa bayang nabanggit.
Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 9 Director Chief Supt. Juanito Vano, dakong alas-4:45 ng hapon habang pauwi na ang biktima galing sa kaniyang stall sa nasabing palengke nang sundan ng armadong salarin at pagbabarilin.
Nabigo namang maabutan ng mga otoridad ang suspek na humalo sa nagkakagulong mga tao sa nasabing palengke.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal .45 pistol.