MANILA, Philippines - Siyam na miyembro ng mga rebeldeng New PeoÂple’s Army sa lalawigan ng Catanduanes ang nagbalik loob sa pamahalaan.
Ang mga nagsisukong NPA rebels ay sina Victor Soriao alyas Ka Vicvic, Edna Tavera alyas Ka Rona, Dante Corañes alyas Ka Nhads, Domingo Dela Cruz Sr. alyas Ka Kalaykalay, Domingo Dela Cruz Jr., Eddie Tesorero; Taptap Quimpo alyas Ka Lilo; Florida Francisco alyas Pida/Gabriela at Francisco Mejares alyas Ka Ikwi.
Nabatid naman kay Lt. Col. Rodolfo Batang, Commanding Officer ng Army’s 83rd Infantry Battalion, ang nagsabing mga rebel surrenderees ay nagsibaba sa kabundukan upang sumuko sa tropa ng militar.