Pagbabalik sa Phl ng Aman boss, tiniyak

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Ma­la­cañang na gagawin nila ang lahat ng paraan para maibalik sa bansa si Aman Futures Pyramiding boss Manuel Amalilio.

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, na ma­ging sila ay nasorpresa ng ma­antala ang pagbaba­lik sa bansa ni Amalilio ma­tapos hara­ngin ng ilang opis­yal sa Malaysia.

Hindi aniya titigil ang Department of Justice, Na­tional Bureau of Investi­gation at maging ang Department of Fo­reign Affairs para matiyak na maibabalik sa bansa si Amalilio.

Sinabi ni Valte, kum­pleto ang hawak na pape­les ng mga awtoridad para maibalik sa bansa si Ama­lilio.

Inamin din ni Valte na hindi pa rin nila alam ang dahilan kung ano ang naging basehan para hindi maibalik sa bansa si Amalilio.

Ginagawa na rin umano ng mga awtoridad ang paraan para mai-freeze ang mga bank accounts ng mga lider ng Aman Futures.

Samantala, inihayag ni DILG Sec. Manuel Roxas II na walang mangyayaring  ‘tug of war ‘ sa pa­gitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Malaysia sa kustodya ng wanted na pyramiding boss na si Emmanuel Amalilio na nahuli sa Kota, Kinabalu kamakailan.

 

Show comments