MANILA, Philippines - Pinatay muna ang daÂlawang anak bago tuluÂyang nagpakamatay ang isang ama sa pamamagitan ng pag-inom ng lason sa loob ng kanilang taÂhanan sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jacinto de Guzman, alyas “Jessie†38, at mga anak na sina Jennifer, 16; at Jeramil, 17, pawang residente ng #2411 Leonor Rivera St., Sta. Cruz, Maynila
Sa ulat ni PO3 Paul Dennis Javier, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:00 ng umaga nang madiskubre ni Gng. Editha de Guzman na patay na ang kaniyang pamilya.
Bumubula ang bibig ng mag-amang sina Jacinto at Jennifer, na magkatabi sa kama, dahil sa lason o silver cleaner na ininom habang si Jeramil naman ay wala ding buhay sa lapag, na may mga pasa sa katawan at may tama ng matigas na bagay sa ulo, na hinihinalang ikinasawi nito.
Si Jennifer naman umano ay may mga gasgas sa leeg na hinihinalang sinakal pa.
Sa inisyal na imbestigasyon, posible umanong sapilitang pinainom ng silver cleaner ang dalagita bago nagpakamatay sa pamamagitan din ng pag-inom ng nasabing kemikal ang ama nito.
Lumitaw din sa pagsisiyasat na isang pinsang lalaki, 9-na taong gulang na nakatira din sa nasabing bahay ang nakarinig ng pagmamakaawa at iyak ni Jennifer na noon ay nasa ikalawang palapag ng apartment ang mag-aama.