Niresbakan ng pamilya ng dalaga… sekyu nanigaw ng ‘pokpok’ tinepok

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng isang ginang ang isang lasing na sekyu matapos umano na bastusin at sigawan ng “pokpok” ang anak nitong dalaga habang dumadaan sa kanilang harapan habang sila ay nag-iinuman kaha­pon ng madaling-araw sa Makati City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Pasay City General Hospital dahil sa tama ng bala sa dibdib ay nakilalang si Angelito Tanael, 36, may-asawa, nakatira sa #4107 Macabulos St., Brgy.Bang­kal ng lungsod.

Tumakas naman ang bumaril sa biktima na isang matandang babae na alyas Negra, isang drug pusher kasama ang mister nito at mga anak na lalaki.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, dakong alas-12:50 ng madaling-araw ay nag-iinuman ang biktima kasama ang ilang kaibigan at kaanak sa kanto ng M. Reyes at Mascardo Sts., Brgy. Bangkal nang dumaan ang isang dalaga na hindi pinangalanan sa kanilang harapan at sumigaw umano ang grupo ng salitang “pok­pok” na ang ibig sabihin ay bayarang babae.

Ikinagalit ito ng da­laga kaya’t sa pag-uwi ng bahay ay isinumbong nito sa pamilya ang ginawang pambabastos sa kanya ng mga nag-iinuman.

Sinugod ng pamilya ang mga nag-iinuman at dito ay naabutan ang bik­tima na nag-iisa at ki­nompronta ito ni alyas Negra habang nakamasid ang mister nito at mga anak.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay bumunot ng baril ang ginang at mala­pi­tang binaril ang biktima sa dibdib at nang bumulagta ay tumakas ang pamilya.

 

Show comments