Tinakot ng lover na hihiwalayan… buntis na misis, nagbigti

MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y nararana­sang depresyon matapos na pagbantaan ng live-in partner na hihi­walayan ay nagawa ng isang 21-anyos na buntis na ginang na magbigti sa base­ment ng bahay ng kanyang amo kahapon sa Project 3, Que­zon City.

Ang biktima na natagpuang nakabigti dakong alas-9:30 ng umaga gamit ang extension wire ay nakilalang si Michelle Odevillas, tubong Guiuan Eas­­tern Samar. Nabatid na si Odevillas ay 10 araw pa lang namamasukan bilang kasambahay sa No.75 Batino st., Brgy. Amihan, Que­zon City.

Sa imbestigasyon ng Cri­mi­nal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police Dis­trict na nagpapalitan si  Ode­villas ng text messages sa kan­yang lover bago na­ganap ang insidente.

Nakasulat sa text message ang pagbabanta ng lover na hihiwalayan ang biktima na dahilan ng depresyon nito.

Nag-text pa ang biktima sa kanyang nanay sa Samar dakong alas-8:29 ng umaga at sinabi ang problema nito sa kanyang lover.

 

Show comments