Trader nag-dive sa kanyang kamatayan

MANILA, Philippines - Namatay habang dinadala sa ospital si Rommel Nacachi, 38, may asawa, negosyante at residente ng Block 6, Lot 23 Comm Marquez Ave­nue, Diamond Village, Ba­ran­­gay Anabu 2-F, Imus City ma­tapos itong tu­malon mula sa billboard ng Mc Leod Sign Maker sa Barangay Panapaan 7, Aguinaldo Highway, Sitio Malumot, Barangay Panapaan 7, Bacoor City, Cavite dakong alas-5:00 ng hapon.

Sa pahayag ni Ernesto Villaluz, na magkatabi sila ng biktima sa upuan ng Nissan Frontier (NIK-524) at binabagtas ang kahabaan ng Aguinaldo High­way patungo ng May­nila.

Pagsapit sa nasabing lugar ay bumagal ang takbo ng dahil sa traffic nang bigla na lamang umanong buksan ng biktima ang pin­tuan ng sasakyan at ma­bilis na bumaba bago nagtatakbo patungo sa bill­board at umakyat  ilang sandali ay biglang tumalon.

Show comments