Sekyu dedo sa pamamaril

MANILA, Philippines - Namatay habang nila­lapatan ng lunas sa  Far Eastern University-Ni­ca­­nor Reyes Medical Foun­dation (FEU-NR­MF) Medical Center ang  47-anyos na si Antonio De Guzman, events secu­rity ng ABS-CBN iTV net­work matapos barilin ng isang lalaki na angkas sa motorsiklo kahapon ng alas-4:30 ng madaling-araw sa Quezon City.

Batay sa ulat, kababa lang ni De Guzman mula sa sasakyan ng kaibigang si Jose Vargas sa isang gasoline station sa Commonwealth Ave­nue malapit sa Don Jose Heights Subdivision para sumakay ng pampasahe­rong jeepney pauwi sa kanyang bahay.

Habang naghihintay ng masasakyan ay bigla umanong sumulpot ang isang motorsiklo na may angkas sa likod at huminto sa harapan niya at agad na binaril sa kaliwang tagiliran saka mabilis na nagsipagtakas.

Nagawa pa ni De Guzman na maisugod ang sarili sakay ng isang taxi sa nasabing ospital, su­balit namatay din ganap na alas-7:45 ng umaga.

Show comments