MANILA, Philippines - Sa ika-apat na araw sa pagpapatupad ng gun ban dahil sa nalalapit ng midterm election, isang mag-asawang negosyante ang pinagbaÂbaril ng mga hindi pa kilaÂlang suspek kamakalawa ng gabi sa Sagay City, Negros Occidental.
Ang mag-asawa na naÂsawi noon din sa loob ng kanilang bahay ay nakilalang sina Amelita, 45 at Ronilo Pacheo, 44; dahil sa tinamong mga tama ng bala ng cal 9 MM pistol.
Nabatid na ang mag-asawa ay nagmamay-ari ng isang sikat na videoÂke at sari-sari store sa kaÂniÂlang lugar.
Batay sa imbestigasÂyon ng pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi ay nasa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Bato ang mag-asawa nang bigla na lamang sumulpot ang mga armadong salarin at pagbabarilin ang mga ito.
Nakita ng mga kapitbahay na kahit may tama na ang mag-asawa ay naÂgawa pang makatakbo sa loob ng kanilang bahay, subalit sinundan sila ng mga suspek at tuluyang tinapos.
Narekober naman ng mga nagrespondeng otoridad ang mga basyo ng bala ng cal 9 MM pistol.
Pinaniniwalaan namang isang lumang alitan ang motibo ng pamamaslang sa mag-asawa na nangyari sa kasagsagan ng pagpapatupad sa election gun ban ng Comelec.