MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na magkaangkas sa isang moÂtorsiklo na umano ay hired killers ang nasakote sa inilatag na checkpoint ng Pasay City Police na bahagi ng comelec election gun ban kamakalawa ng gabi.
Ang mga naarestong suspek ay sina Mark JefÂferson Tenorio, 27-anyos, ng Maya St., Rizal, Makati City at Sylvester Lazo, 25, ng Pembo, Makati City.
Ayon kay P/Sr. Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay Police, na ang dalawang suspek ay nasita sa isang checkpoint sa may Taft Avenue, Pasay habang magkaangkas sa isang itim na Hondang motorsiklo na walang plaka.
Nang isailalim sa inspeksyon, nadiskubre sa posesyon ng mga ito ng dalawang kalibre .38 baril na puno ng bala at nakuha rin sa mga ito ang isang floor plan ng isang bahay.
Nagtungo naman sa istasyon ng Pasay Police ang isang mag-asawa na humiling na huwag magpabanggit ng pangalan, at positibong itinuro ang dalawang suspek na siyang nakita umano nilang umaali-aligid sa kanilang bahay.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa OmÂÂnibus Election Code, illegal possession of fireÂarms at ammunitions, at posibleng carnapping ang mga suspek kapag napatunayan na karnap ang motorÂsikÂlong kanilang minamaneho.