Lalaki natagpuang patay sa bubong ng LRT

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa bubong ng Light Railway Transit Authority (LRTA) sa Paco, Maynila kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay inilarawan na nasa pagitan ng edad 35-40, may tattoo ng mukha ng babae sa kanang dibdib at pangalang Diango Pedoy sa kaliwang dibdib.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay sa bubong na sakop ng pasilidad ng LRTA  1 sa Pedro Gil Station, Paco, Maynila ng isang guwardiya na nagsasagawa ng roving inspection.

Hinala ng pulisya tinubo ang biktima kung saan narekober ang mga PVC pipe at isang sinturon at pinaniniwalaang dayo lamang sa lugar.

Show comments