MANILA, Philippines - Kung naging parehas lamang umano si Senate President Juan Ponce Enrile sa 23 senador sa pamamahagi ng kontrobersiyal na karagdagang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ay wala na sanang kuwestiyon pa.
Ito ang sinabi ni Senator Edgardo Angara na dati ring naging Senate President at inamin na nakagawian na ang pamimigay ng karagdagang MOOEs sa bawat miyembro ng Senado pero ngaÂyon lamang nagkaroon ng kuwestiyon tungkol dito.
Sinabi ni Angara na posibleng ginawa rin niya ang nasabing pamimigay ng karagdagang MOOE pero otorisado naman umano ito at maituturing na isang “honored traditionâ€.
Pero, ito umano ang unang pagkakataon na nalaman ni Angara na hindi pantay ang naging distribusyon ng karagdagang MOOE.
Kabilang sa mga hindi nakakuha ng pantay na MOOE ay sina Senators Miriam Santiago, Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Antonio Trillanes IV.
Pero, wala rin naman aniyang mali kung hindi naging pantay ang distribusyon dahil “judgement call†ito ng Senate President.