MANILA, Philippines - Bigyang prayoridad ang kapakanan ng mga kaÂsambahay sa pagsasabatas ng tinatawag na “Kasambahay Bill.â€
Ito ang naging panawaÂgan ni Cagayan Rep. (1st District) Juan “Jack†C. Ponce Enrile Jr. kay PaÂngulong Benigno Aquino III.
“To begin with, Pres. Noy Aquino should be lauded for his political will in pushing for the enactment into law of two controversial measures, the ‘Sin Tax Law’ and the ‘RH (reproductive health) Law’ that he firmly believed would ultimately result to the benefit of the greater number of our people.
“Along this line, Pres.Aquino would be further demonstrating his concern to the poorer members of our society if he signs into law, the ‘Kasambahay Bill’ that was already approved by both chambers of Congress and is now just waiting for his signaÂture,†ayon kay Enrile.
Sinabi pa nito na sa kaÂbila nang pagratipika ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at ng Senado mahigit isang buwan na ang nakakaraan ay hindi pa rin ito napipirmahan upang maging ganap na batas.
Sakaling mapirmahan ng pangulo ang bill bilang batas, ay humigit kuÂmuÂlang tatlong milyong kaÂsambahay ang kagyat makikinabang sa mga benepisyo.
Nakapaloob sa bicaÂmeral report na isinumite sa Malacañang ang pagtaÂtakda ng minimum wage na P2,500 kada buwan sa Metro Manila, P2,000 sa mga nasa chartered cities at first class municipalities habang P1,500 minimum na sahod naman kada buwan sa iba pang munisipalidad.
Sa unang termino ni Enrile noong ika-11 KongÂreso ay siya ang unang naghain ng naturang bill na naglalayon iangat ang antas ng mga “household helÂpersâ€.