10 rason kung bakit pumatok ang PM! nasa PhilStar website na rin!

MANILA, Philippines - Bakit nga ba pumatok ang Pang-Masa (PM)?

Maraming rason, pero sampu lang ang ibinigay namin bilang naka-sampung taon na ang Palaban at Maaasahan na tabloid.

Narito ang sampung dahilan kung bakit matibay ang PM :

1. Pawang totoo at walang imbento ang mga balita. Hindi naninira at umaatake nang walang basehan

2. Hitik, siksik, at umaapaw ang mga nababasa sa Pang-Masa

3. Makabuluhan ang laman ng bawat seksiyon – mula sa mga pangyayari sa paligid, opinion ng mga kilalang manunulat at kolumnista

4. Kakaiba at kapana-panabik ang bawat kabanata na nababasa sa mga nobela

5. Kapaki-pakinabang din sa pang-araw araw na buhay ng bawat isa sa atin ang laman ng ‘kapatid’ ng Pilipino Star NGAYON

6. Napapanahon at nakaka-relate ang mga mambabasa

7. Maraming balitang showbiz, tsismis, blind items sa Pang-Movies na rito lang nababasa at nauunang pumutok

8. Mga kilala at credible ang mga nagsusulat sa lahat ng bahagi ng pahayagan.

9. Maganda ang lay out at kaaya-aya sa mata na wala sa mga kalaban. Maiksi ang mga kuwento kaya madaling basahin at maintindihan.

10. Makikita ang mga resulta ng lotto at may gabay kung anong mga suwerteng number para sa lotto.

Ilan lang ‘yan sa maraming dahilan kung bakit mabilis na nakilala ang Pang-Masa kaya araw-araw ay nadadagdagan ang bumibili ng diyaryong nakaka-isang dekada na palang naghahatid ng balita.

Sirkulasyon tumataas buwan-buwan!

Masaya ang pamunuan ng PM dahil sa patuloy na pag-angat ng sirkulasyon nito.

Base sa report ng mga dealers, nadadagdagan ang mga naghahanap ng kopya ng PM araw-araw.

“Noon kasi medyo iniisnab pa ng mga tao kaya hin­di gaanong marami ang kinukuha namin para iben­ta. Pero ngayon, kahit gabi na may bumibili pa kaya dinagdagan na namin ang kinukuhang PM,” kuwento ng isang nagbebenta sa lugar ng Muñoz na si Rissa.

Nagsimulang lumakas ang benta nito nang ibahin ang hitsura ng page 1 at mas maging agressive sa mga inilalabas na balita.

Kaya naman nagpapasalamat ang pamunuan ng PM sa lahat ng mga dealers  na tumutulong para mas lumakas pa ang benta nito.

At siyempre sa mga masang mambabasa na hindi nadadala ng makabagong ‘sensiya.’

Nasa philSTAR.com na rin

Kasama na sa website na philstar.com ang Pang-Masa.

Hindi pa natatagalan nang mapasama ito sa website ng Star Group of  Publications – The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kasama pa ang The Freeman at Banat News (na pawang nababasa sa Cebu).

Pero mas nauna itong nabasa iPad at android phones. Last year pa ay nasa iPad na ito.

Sa Pang-Masa website ay makikita ang lahat ng mga nakapaloob sa print version nito.

Puwede ring i-share ang articles and columns sa Facebook, Twitter, Google Plus, o puwede ring i-email. At kung parati naman kayong naka-online, i-like lang ang PM at maa-update na kayo sa mga pasabog na balita sa mismong oras na pumutok ang malaking istorya sa bansa, showbiz, sports, at marami pang iba.

Puwede rin kayong mag-comment kung may mga gusto kayong sabihin sa mga nababasa ninyo.

Hindi lang naman kasi talaga ito pang-masa.

Puwede rin itong pang-sosyal na naghahanap ng babasahin na hindi mo kailangang mag-isip pa kung ano ang nabasa mo. Direct to the point ang mga kuwento at walang halong kaeklayan.

Para sa masa…

Pero siyempre, ang karamihan talaga sa tumatangkilik ng PM ay masa.

Sabi nga ni Ely Buendia sa kanyang kantang Para sa Masa :

Ito ay para sa mga masa

sa lahat ng nawalan ng pag-asa

sa lahat ng aming nakasama

sa lahat ng hirap at pagdurusa

naaalala nito pa ba

binigyan namin kayo ng ligaya

ilang taon na ring lumipas

mga kulay ng mundo ay kumupas

marami na rin ang mga pagbabago

di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang

mapapatawad mo ba ako

kung hindi ko sinunod ang gusto mo

la la la la la la la la. . . . . .

pinilit kong iahon ka

ngunit ayaw mo namang sumama

ito ay para sa mga masa

sa lahat ng binaon ng sistema

sa lahat ng aming nakabarkada

sa lahat ng mahilig sa labsong at drama

sa lahat ng di marunong bumasa

sa lahat ng may problema sa skwela

sa lahat ng fans ni Sharon Cuneta

sa lahat ng may problema sa pera

sa lahat ng masa

huwag mong hayaang ganito

bigyan ang sarili ng respeto

 

 

Show comments