MANILA, Philippines - Napurnada ng mga tropa ng militar ang planong pag-atake ng may 30 rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang Cafgu detachment nang magsagupa ang mga ito kamakalawa sa Brgy. MaÂlire, Antipas, North CotaÂbato.
Ayon kay Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Col. Dickson Hermoso, bandang alas-4:00 ng hapon nang masabat ng Special Forces troops ng Army’s 602nd Infantry Brigade (IB) ang grupo ng mga rebelde sa nasabing lugar.
Nabatid na nagsagawa ng security patrol ang tropa ng militar sa lugar matapos na makatanggap ng ulat sa kanilang tipster na may planong umatake ang mga rebelde sa isang CAFGU detachment sa nasabing barangay.
Nang magpanagpo ay agad nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng 45 minuto hanggang sa mapilitan ang mga rebelde na umatras sa sagupaan.
Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M16 rifle, isang M14 carbine, anim na piÂraÂso ng bala ng M16 rifles, limang magazine ng M14 rifles, dalawang Improvised Explosive Device (IED) o bomba, 50 metrong wire, isang graÂnada, isang matalas na gulok, apat na backpacks na naglalaman ng mga subersibong dokumento at mga personal na kagamitan.
Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng mga sundalo habang pinaniniwalaang nagtamo ng maraming sugatan ang mga nagsitakas na rebelde base sa mga patak ng dugo sa lugar na dinaanan ng mga ito.