MANILA, Philippines - Nagbitiw ng mabigat na kataga ang ina ni Stephanie Nicole Ella na si Ellaine na hindi nila mapapatawad ang nagpaputok ng baril noong Bagong Taon na ang bala ay tumama at pumatay sa kanilang anak.
Kahapon ng alas-10:00 ng umaga nang dalhin ang labi ni Nicole sa Sanctuario de Paz, Norzagaray sa Bulacan at dito ay maraming mga nakipaglibing tulad ng mga kapitbahay, guro at mga kaiskwela ni Nicole na nakasuot ng kulay pink na t-shirt at may dala silang mga lobo na kulay pink din.
Naging emosyonal din ang ama ni Nicole na si Jay; lolo nitong si Aquilino at tiyuhing si Marvin.
Dito ay may halong pagsisisi si MarÂvin dahil hindi man lamang aniya naÂprotektahan ang kanyang pamangkin.
“Katabi ko siya nang nabaril siya, wala po akong nagawa,†ang paghihinagÂpis ni Marvin.
Sa huling lamay ginunita ng mga kaanak ang kanilang masasayang alaÂala na kasama nila ang biktima nang nabuÂbuhay pa ito.
Ayon sa pamilya itutuloy nila ang laban ni Nicole at hindi nila ito tatantanan hangga’t hindi ito nadadakip.