Dermatologist inatado ng saksak

MANILA, Philippines -  Naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay nang matagpuan ang isang 32-anyos na dermatologist sa loob ng kanyang inuupahang apartment kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang nasawi dahil sa mga tinamong saksak sa katawan ay kinilalang si Russel Fritz Saliganan, binata, residente sa Unit 32, F2 2nd Floor, Bantay St., Brgy. Kaunlaran.

Batay sa ulat, alas-12:00 ng madaling-araw ay napuna ng isang Teresa Romero, kapitbahay ng biktima na bukas pa ang ilaw sa loob ng kuwarto nito.

Dala ng kuryusidad, nagpasyang sumilip sa bintana si Romero at dito ay nakita niyang nagkalat ang dugo sa loob.

Sa pahayag ng ilang kapitbahay na nakarinig sila ng mga kalabog mula sa kuwarto ng biktima na hindi nila inusisa hanggang sa kusang nawala ang ingay mula dito.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Opera­tions (SOCO) nakita ang mga latent print sa bote ng alak na gagamitin sa imbestigasyon.

Show comments