MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagkakaÂsangkot ni P/Supt. Hansel Marantan sa iba’t ibang insidente ng shootout na may akusasyon ng “rubout†ay dalawang beses itong nabigyan ng proÂmosyon.
Kaya naman ay pag-aaÂralan ng National Police Commission (Napolcom) ang legalidad ng dalawang ulit na promosyon nito.
Ayon kay Napolcom Vice-Chairman Atty. Eduardo Escueta na bagama’t hindi nila sakop ang proÂmosyon ni Marantan noong 2008, maaari naman nilang pabuksan ito sa Philippine National PoÂlice at busisiin.
Nais alamin ng Napolcom kung ano ang mga kunsiderasyon kung bakit dalawang beses na na-proÂmote si Marantan sa kabila ng pagkakasangkot sa “shootout†noong 2008 sa Parañaque na ikinasawi ng isang mag-ama at iba pang shoot-out sa Ortigas, Pasig City; Lucena City at Candelaria, Quezon at ang pinakabago ay sa Atimonan, Quezon na kanyang pinamunuan ang operasyon.
Nabatid rin na may naÂkabinbin pang kaso sa Internal Affairs Service (IAS) ng PNP laban kay Marantan kaugnay ng Parañaque shoot-out.
Hindi naman umano nila maaaring pakialaman ito dahil sa hurisdiksyon na ito ng IAS sa kabila na may limang taon na itong nakabinbin.
Sa kabila nito, ipinaliwanag naman ni Escueta na may umiiral na batas na maaaring ma-promote ang isang pulis base sa kanyang mga kredensyal kung naka-pending pa ang mga kasong isinampa sa kanya o hindi pa napapatunayan ang kanyang pagkakasala.