MANILA, Philippines - Nakaiskor ang mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon matapos makumÂpiskahan ang isang Pinoy na nakilalang si Rosendo Bastatas Ariata sa kanyang dalang bagahe ng 11 kilong shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P50 milyon kamakalawa ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Pasay City.
Base sa ulat na natanggap ni Biazon mula kina NAIA District Commander Marlon Alameda at Assistant Chief and Investigation Customs police Byron Carbonell, ng Task Force React, BoC na ang suspek ay ng Philippine Airlines, PR flight 307 at dumating ito sa NAIA ay dakong alas-9:00 ng gabi mula Hong Kong.
Nagduda ang mga otoridad sa kilos at dalang baÂgahe ni Ariata kaya’t sinita na kung saan ay tinangÂka pa umanong suhulan ang isa sa mga custom police na si Antonio Punzalan.
Kaya’t nang inspeksyunin ang dalang bagahe ng suspek ay nakita dito ang 7 kahon ng isang brand ng powder milk at nang alamin ang laman ay nakita dito ang nasabing 11 kilo ng shabu.
Agad na inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).
Ito ang kauna-unahang accomplishment ng BoC sa unang buwan ng Bagong Taon na ikinabahala naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa ito ang unang pagkakaton na isang Pinoy ang
nagsilbing drug mule.