MANILA, Philippines - Hinamon ni Malolos Bishop Jose Oliveros si Interior and Local GovernÂment Sec. Mar Roxas na magkaroon ng political will na ipatupad ang batas para masawata ang paglaganap ng loose firearms sa bansa.
Sinabi ni Bishop Oliveros, kaya maraming iligal na baril ang naglipana sa bansa dahil sa kawalan ng political will para sugpuin ito.
Naniniwala ang ObisÂpo na dadami na naman ang mga iligal na baril lalo pa’t nalalapit na ang eleksyon.
Umapela si Bishop Oliveros kay Roxas na huÂlihin at papanagutin sa batas ang mga pulitikong mayroong hired killers at private armies na siyang nagpapagulo tuwing nagkakaroon ng eleksyon sa bansa.
Hindi na dapat pang pairalin ng mga pulitiko ang karahasan dahil kadalasang ang mga inosenteng sibilyan ang nagiging biktima.
“Marami pa ring mga loose firearms na kumakalat sa ating bansa. Kaya sana maging hamon ito sa ating mga otoridad lalo na kay Sec. Roxas lalo na ngayong panahon ng eleksyon. Kontrolin ang paggamit ng baril. Kontrolin yung bibigyan ng lisensya†ani Bishop Oliveros.