Killer ng pulis todas sa pag-agaw ng baril

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang lalaki na kabilang sa anim na itinuturong nakapatay sa isang pulis at nakasugat sa kasamahan nito noong bisperas ng Bagong Taon sa isang

checkpoint, matapos uma­nong mang-agaw ng baril habang dinada­la sa piskalya kahapon ng umaga sa bayan ng Rodriguez, Rizal.

Ang suspek na na­sa­wi ay kinilalang si Ma­rio Gonzales, 25, re­si­dente ng Block 4,
lot 1, Marikina Heights, Brgy. San Jose ng nasabing bayan.

Nabatid na si Gonza­les ay isa sa anim na sus­pek na itinuturong nakapatay kay PO1 Paul Martin Nuyles at nakasugat kay PO1 Ray­mundo Robel, kapwa nakatalaga sa COMPAC 3 ng Rodriguez PNP matapos silang pagbabarilin habang nagsasagawa nang checkpoint noong bisperas ng Bagong Taon sa tapat ng istasyon ng pulisya.

Habang sakay ng PNP service vehicle ang suspek kasama sina PO3 Allan Bentazal at PO2 Rommel Ramos patungo sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office para sa kaukulan inquest proceeding nang agawin umano ang baril ni PO3 Bentazal.

Naalarma umano si PO2 Ramos kaya’t binunot ang baril at pinaputukan ang suspek sa ulo.

Naisugod pa sa H-Ville Hospital sa Brgy. Manggahan ang suspek kung
saan ito nalagutan nang hininga habang nilalapatan ng lunas.

 

 

Show comments