Konsehal todas,bodyguard kritikal sa ambush

MANILA, Philippines - Isang City Councilor ang nasawi habang ang kanyang bodyguard ay nasa  kritikal na kondisyon matapos silang pagbabarilin sa naganap na  ambush kahapon sa kahabaan ng  Barangay Concepcion, San Pablo City, Laguna.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital si incumbent City Councilor Edgardo Adayar, 55, habang ang kanyang security aide ay nakilalang si Rolando Leonardo, 40 nasa kriti­kal na kondisyon dahil sa tama ng mga bala sa ulo.

Ayon kay Chief Supe­rintendent James Melad, Calabarzon police director, dakong alas-4:00 ng hapon ay hinarang ng da­lawang lalaking suspek ang daraanan ng mga bik­tima at agad na sila ay pi­nagbabaril.

Nakarekober ang mga pulis ng iba’t ibang basyo ng bala na dinala na sa SOCO labs upang made­termina ang kalibreng baril na ginamit ng gunmen.

Show comments