MANILA, Philippines - Nagsampa ng reklamo sa pulisya ang biktimang si Rico Bernardo, 42, building maintenance, ng 1705 President Quirino Avenue, Pandacan, Maynila laban sa isang Joseph Delmonte na tumangay sa kanyang misis at nagbanta na siya ay papatayin kung kukunin niya ang asawa.
Batay sa reklamo ni Bernardo, dakong alas-2:30 ng hapon noong Disyembre 27 ay umalis ang kanyang misis na si Marilyn kasama ang isang Lilian Lugo at hindi na ito umuwi ng bahay.
Isang kaibigan ni Rico ang nakapagsasabi na itinanan umano ni Delmonte, na kapatid ni Lugo ang kanyang misis at hindi umano ito pinapayagang umalis para balikan ang pamilya.
May banta pa umano si Delmonte na uubusing patayin ang kaniyang pamilya kung siya ay iiwan.