MANILA, Philippines - Ikinadismaya ng Malacañang ang pagputol sa ceasefire ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nanghihinayang sila sa pagputol ng CPP-NPA sa ceasefire na dapat ay hanggang Enero 15.
Sinabi pa ni Lacierda, desidido ang gobyerno na magkaroon ng mas malawak na ceasefire upang makamit na ang kapayapaan at pagkakasundo.
Pinutol ng CPP-NPA ang ceasefire nito sa gobyerno kahapon na dapat ay hanggang Enero 15 dahil daw sa hindi pagtupad ng gobyerno sa extended ceasefire.