Nasugatan sa paputok bumaba – DOH

MANILA, Philippines - Iniulat ng Department of Health (DOH) na bu­maba ang bilang ng mga nasu­gatan sa paputok sa pagsa­lubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Presidential Communications Ope­rations Office Sec.
Her­minio Coloma Jr., na ikinatuwa ng Malacañang ang nasabing ulat.

Sinabi pa ni Sec. Coloma, magsasagawa ng assessment meeting si Pa­ngulong Benig­no Aquino III ka­sa­ma ang Department of Interior and Local
Go­vernment (DILG), DOH, PNP at BFP upang alamin kung na­su­­nod ba ang ka­utu­san ng Pangulo na paig­ti­ngin ang kampanya
laban sa mga bawal na pa­putok.

Wika pa ng kalihim, pinulong ng Pangulo ang ibat ibang ahensiya kasama
ang PNP at DOH upang masiguro na magiging mahigpit ang kampanya laban
sa paputok upang mabawasan ang mga firecrac­ker injury sa pagsalubong
sa Bagong Taon.

Iniulat ng DOH na uma­bot ng 413 ang nasugatan o bumaba ng 17% ang mga
nasaktan sa paputok kum­para sa nakalipas na taon.
Inilunsad ng DOH ang iwas paputok program upang makaiwas sa disgrasya
ang mamamayan sa pagsalubong sa Bagong Taon kung saan ay hinimok ni
Health Sec. Eric Tayag na kaysa magpaputok ay magsayaw na lamang ng
“Gangnam Style” ang publiko.

Show comments