MANILA, Philippines - Mula sa dating pangalan na Clark International Airport (CIA) ay ginawa na itong Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) ang paliparan sa Angeles City, Pampanga.
Ayon kay Pampanga 1st district Rep. Carmelo Lazatin, ang pagpapalit ng pangalan ng CIA ay isinusulong sa House Bill 6699 na inaprubahan sa bisa ng Board Resolutiom, 07-08 ng Clark Development Corporation noong Hulyo 2001.
Ito umano ang panahon na ginugunita ang ika-91 na birth anniversary ni dating pangulo Diosdado Macapagal noong Setyembre 28, 2001.
Paliwanag pa ng mambabatas, ito ay bilang pagkilala na rin sa respetadong lider ng Pampanga at kauna-unahang Kapampangan na naging presidente ng Pilipinas .
Ang mga Amerikano ang nagpangalan sa Clark Air Base bilang pagpupugay sa foreign aviation pioneer na si Major Harold Clark ng US Army Signal Corps. na namatay sa seaplane crash sa Panama Canal noong 1919.