Mag-ate inatado ng tiyuhin

MANILA, Philippines - Inatado ng taga ang isang mag-ate ng kanilang tiyuhin na ikinasawi ng  isang 8-anyos na batang babae habang nasa kritikal na kondisyon naman ang ate nitong 15-anyos naganap kamakalawa sa Zamboanga City.

Ang mga biktima ay itinago sa pangalang Anna, 8-anyos at Giselle, 15-anyos kapwa residen­te ng Brgy. Tolosa ng lalawigan. Habang ang suspek na tiyuhin ay tinukoy sa pangalang Crispin, 41-an­yos na tumakas matapos isa­gawa ang krimen.

Batay sa ulat ng pulis­ya, dakong ala-1:30 ng madaling-araw kasaluku­yang natutulog ang mag­ka­patid nang pasukin ng suspek at isagawa ang kri­men.

Nabatid na ang suspek ang pinagbabantay ng mga magulang ng mga bata sa kanilang mga anak dahilan kapwa ang mga ito vendor ng gulay sa palengke.

Kasalukuyan namang hinihintay ng mga otoridad ang resulta ng autopsy re­port upang mabatid kung positibong hinalay ng suspek ang magkapatid bago isagawa ang pamamaslang.

 

Show comments