2 motor nagsalpukan: 1 UTAS, 2 sugatan

MANILA, Philippines - Dalawang motorsiklo ang nagsalpukan na ikinasawi ng isang security guard habang dalawa pa ang nasugatan, naganap kahapon ng umaga sa Makati City.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Ma­kati ang 46-anyos na si Jeffrey Baring, habang ni­la­lapatan ng lunas ng mga manggagamot ang backride nitong si Audrey Arbulos at nakabanggaan na si Gilberto Delosa.

Sa inisyal na ulat ng otoridad, dakong alas-6:00 ng umaga ay minamaneho ni Baring ang kanyang motorsiklo na (6439-NQ) at angkas na si Arbulos nang makabang­gaan ang motorsiklo (1572-NQ) na minamaneho ni Delosa sa McKinley Road, Barangay Forbes.

Pawang tumilapon ang tatlong biktima na si­nasabing may mga suot naman umano na crash helmet.

 

Show comments