Pumatay sa binata, todas sa resbak

MANILA, Philippines - Agad na nakamit ng isang 18-anyos na binata ang hustisya sa kanyang pagkamatay matapos na resbakan at pinatay din ang suspek na pumatay sa kanya kamakalawa ng hapon sa Parola, Port Area, Maynila.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa dami ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Ariel Borja alyas Yayi, ng Block 1, Gasangan, Ba­seco Compound, Port Area, Maynila.

Ang itinuturong suspek ay nakilala sa alyas “Jaymar”, 25, ng Parola Compound,  Binondo.

Batay sa ulat, dakong alas-2:50 ng hapon ni­tong Lunes ay naglala­kad sa eskinita ng Gate 58 ang biktima nang big­lang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing   pinagbabaril ito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, na ilang oras ang nakakalipas bago binaril at napatay si Borja ay bi­naril at napatay din nito ang isang Mark John Rambuasa, 18-anyos na out of school youth sa nasabi ding lugar.

Base sa nakuhang impormasyon ng Homicide Section, ang biktima ay sang­kot sa iba’t ibang kaso ng pamamaslang at ka­bilang ang nakabinbing kaso sa  napatay nitong  si Mark  Aloba  na nasa  Manila RTC, Branch 28.

Show comments