Gusali sa Divisoria nasunog

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P10 milyon ang halaga ng mga natupok na ari-arian sa naganap na sunog sa isang gusali sa Divisoria, Binondo, Maynila kaha­pon ng madaling-araw.

Sa inisyal na report ni C/Insp. Bonifacio Carta ng Manila Fire Bureau, Arson Investigation Division, dakong alas-12:33 ng ma­daling-araw nang magsimula ang sunog sa Atlantic Glassware, na isa sa omuukupa sa ground floor ng 3-storey building na pag-aari ng isang Lu­cio Co na matatagpuan sa panulukan ng M. de Santos at Tabora Sts., katapat lamang ng Divisoria Mall.

Napakabilis umanong itinaas sa 3rd at 4th  alarm bandang alas-12:36, Task Force Alpha ala-1:05, bandang alas-2:10, TF Bravo, hanggang sa TF Charlie bandang alas-5:45 ng umaga.

Bandang alas-10:09 naman nang ideklarang fire under  control ang sunog.

Pinaniniwalaan na­mang mga nakalatag na panindang fireworks at firecrackers sa labas ng nasabing gusali ang posibleng pinagmulan ng sunog na umabot sa siyam na oras.

“Mahirap po ang ne­­gosyo this year, tapos nasunugan pa sa bisperas ng Pasko,” wika ng isang Mark Yung, tenant sa gusali. “Sana lesson na po ito na ‘wag na ta­yong magtinda ng pa­pu­tok para hindi na tayo ma­kaperwisyo.”

 

Show comments