Obrero natigok habang nanonood ng x-rated DVD

MANILA, Philippines - Isang 42-taong gulang na construction worker ang sinasabing inatake sa puso at agad na nasawi habang nanonood ng x-rated DVD sa loob ng kanilang barracks sa Taguig City, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Edwin Facultad, stay-in construction worker sa ABS Telecom Industry sa 4th Street, Mañalac Estate, Brgy. Bagumbayan sa lungsod.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-10:30 kama­kalawa ng gabi nang tuma­wag sa Public Order and Safety Office (POSO) ang mga kasamahan sa trabaho ng biktima nang makitang hindi na ito humihinga.

Ayon sa imbestigador, nakasalang pa sa DVD player ang isang Triple X-rated na pelikula nang kanilang madatnan habang sapo naman ng biktima ang dibdib nito.

Sa pagsisiyasat, posibleng inatake sa puso ang biktima habang nasa kasarapan ng panonood ng bold movie.

Show comments