200 Pablo victims inilibing

MANILA, Philippines - Kabuuang 200 nasawi sa pananalasa ng bagyong Pablo ang sabay-sabay na inilibing kahapon na ginanap sa isang pampublikong sementeryo sa New Bataan, Compostela Valley.

Sa ulat na ipinarating ni Dr. Renato Basanes, Provincial Health Officer ng Compostela Valley, pinangunahan ni Mayor Lorenzo Balbin ang paglilibing sa mga naagnas na bangkay bunga ng peligrong posibleng epekto sa kalusugan ng mga survivor sa kalamidad.

Nabatid na bago ang mass burial ang mga narekober na labi ay nakahilera lamang sa isang bakanteng lote sa  bisinidad ng New Bataan cemetery habang hinihintay pang kilalanin ang mga ito ng kanilang mga pamilya.

Sinabi ni naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, kailangang mailibing na ang hindi pa nakikilalang mga labi dahil halos tatlong linggo na simula ng marekober ang katawan ng mga ito na masangsang na ang amoy at pinagpipiyestahan ng mga bangaw.

  

Show comments