Bata natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Hindi na nakalabas sa nasusunog nilang bahay ang isang 9-anyos na batang lalaki kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion, Lapu-Lapu City, Cebu.

Halos hindi na makilala ang biktima na si Chilmer Mangubat dahil sa nagmistulang uling na ito nang matagpuan sa kanyang silid na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Nagtamo ng 1st degree burn ang kuya nitong si Mark, 12 at tiyahin na si Cherryl Abiang  sa kanilang mga katawan.

Batay sa ulat ng Lapu-Lapu City Fire Department, bandang alas-11:45 ng gabi nang maganap ang sunog  sa nasabing bahay na sandaling iyon ay nasa kasarapan ng tulog ang pamilya.

Ang mag-asawang Mangubat ay natutulog sa unang palapag ng kanilang bahay habang ang tiyahin naman at ang mga bata ay sa ikalawang palapag.

Naalimpungatan na lamang ang mag-asawa matapos na balutin ng apoy ang buong kabahayan at  nakulong sa sunog ang nasawing biktima na mahimbing na natutulog habang nakalabas ang kuya at tiyahin nito.

Batay sa imbestigasyon na naputulan ng kur­yente ang pamilya dahilan tatlong buwan nang hindi sila nakabayad ng kanilang elektrisidad at gumagamit lamang ang mga ito ng kandila na kanilang pi­napatay bago matulog.

Sa inisyal na imbestigasyon na ang nakasinding katol na posibleng dumikit sa kurtina ang sanhi ng sunog.

 

Show comments