MANILA, Philippines - Anim na buwang pagkakulong ang inihatol ng Sandiganbayan kay dating Rodriguez, Rizal Mayor Pedro Cuerpo at kay Fernando Roño, dating Municipal Engineer kaugnay nang paglabag sa Article 231 ng Revised Penal Code (RPC) matapos tanggihan ang utos ng San Mateo RTC na aksiyunan ang aplikasyon para sa building permit ng Samahang Magkakapitbisig (Samahan) na mga informal settlers sa lugar.
Batay sa 23-pahinang desisyon na nilagdaan nina Associate Justice Teresita Diaz-Baldos, Associate Justices Napoleon Inoturan at Oscar Herrera Jr., ng anti-graft court Second Division na bukod sa pagkabilanggo, inutos din ng graft court na huwag payagan na magkaroon ng anumang puwesto sa gobyerno sina Cuerpo at Roño sa loob ng 10 taon at pagmultahin ang mga ito ng tig P1,000 dahil sa nagawang kasalanan.