MANILA, Philippines - Itinigil muna pansamantala ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang paghuli sa mga colorum vehicles sa bansa laluna sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan.
Ito ang inihayag ni LTFRB Chairman Jaime Jacob upang bigyan daan ng ahensiya ang pagdiriwang sa holiday season, subalit sa unang buwan ng susunod na taon ay sisimulan na ulit ang panghuhuli.
Gayunman, abala naman ang mga tauhan sa paghuli sa mga isnaberong taxi drivers na ayaw magsakay ng pasahero sa mga malls at abalang lansangan ngayong Kapaskuhan.