Bro. Eddie inuudyukan ng grupo ni Ex-CJ Puno na tumakbo sa Senado

MANILA, Philippines - Inuudyukan ng isang grupo na pinamumunuan ni dating Chief Justice Reynato Puno na tumakbo si Jesus Is Lord Church spiritual director Bishop Bro. Eddie Villanueva sa pagka-senador sa dara­ting na midterm election sa 2013.

Ang posibilidad sa pag­kandidato ni Bro. Eddie V sa senatorial race kahit hindi na siya nakahabol sa deadline ng filing of candidacy sa COMELEC ay  dahil sa posibleng pag-atras ni Dr. Israel Virgines sa ilalim ng partido ng Ba­ngon Pilipinas dahil sa hindi umano ito kilala sa buong Pilipinas kaya’t malabo ang tsansa na magwagi.

Nabatid na ilang buwan na ang nakararaan ay nabuo na ang Bro. Eddie for Senator Movement (BESMO) sa pamumuno nina Puno at dating NEDA Chief Cielito Habito na inayawan ni Bro. Eddie dahil sa inanunsyo ni Presidente Noynoy Aquino na isasama sa ticket ng administrasyon ang anak nitong si TESDA Director-General Joel Villanueva na sa bandang huli ay nagbago ang isip ng Pangulo.

Mas ibig ni Bro. Eddie na manatili sa ministeryo ng Body of Christ, subalit malakas anya ang pana­wagan ng mga kilusan na ang adbokasya para sa matuwid na pamamahala sa gobyerno gaya ng kilusang pinamumunuan nina Puno at Habito.

Show comments