SB aprub sa Christmas furlough ni GMA

MANILA, Philippines - Kung si House Spea­ker Feliciano “SB” Belmonte ang tatanungin ay pabor  ito sa kahilingan na Christmas furlough ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo.

Ayon kay Belmonte, wala namang masama kung humiling ng tatlong linggong bakasyon ang dating pangulo at pansamantalang makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) para makasama ang kanyang pamilya ngayong Pasko.
Sigurado naman umano na gwardiyado si Gng.Arroyo kapag ito ay pansamantalang lumabas ng ospital.

Subalit, anya nakadepende pa rin sa Sandiganbayan kung pagbibigyan ang hirit ni Gng. Arro­yo na nahaharap sa ka­song plunder dahil sa pag­lustay sa intel funds ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) noong kanyang panahon.

Show comments