Binatilyo dedo sa simbang gabi

MANILA, Philippines - Isang 15-anyos na bi­natilyo ang binaril ng isang lalaki na miyembro ng kaaway na gang  matapos na magkainitan habang papauwi mula sa pagdalo sa Simbang Gabi kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Mary Johnston Hospital ay nakilalang si Bryan Kenneth Cali ng 1859 Choco St., Tondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Inaalam pa ng pulisya ang grupo ng suspek na may 40 ang bilang na nakabanggaan ng grupo ng biktima sa loob ng simbahan hanggang sa magpang-abot sa kalye na nauwi sa gang war.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa biktima sa Sta Maria St., Moriones, Tondo.

Bago ang insidente ay nasa loob pa lamang ng simbahan ang grupo ng biktima nang makakantiyawan ang grupo ng mga suspek.

Hindi sukat akalain ng grupo ng biktima na sila ay inaabangan ng grupo ng mga suspek sa kalye at nang magkita ay nauwi sa kaguluhan hanggang binaril ang biktima ng isa sa miyembro ng kalabang grupo.

Show comments