Presyo ng Noche Buena products inilabas ng DTI

MANILA, Philippine s- Bunsod ng sangkatu­tak na reklamo hinggil sa mataas na bilihin, naglabas na rin ang Department of Trade and Industry (DTI) ng listahan ng “suggested retail price (SRP)” sa mga produktong pang-Noche Buena na ikakalat sa lahat ng pamilihan, shopping centers, at groceries.

Ayon kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, dagsa ang reklamo sa kanila ngayon sa sobrang taas ng presyo ng mga produktong pang handa lalo na ang hamon kaya naglabas sila ng SRP para maging basehan ng mga mamimili.

Nag-ikot na rin sa mga pamilihan ang mga tauhan ng DTI upang tiyakin na nasa tamang presyo ang mga produktong ibinibenta ngayong Disyembre.

Kabilang sa mga kasama sa SRP ang sumusunod:  500 gramo ng brick ham,  P138; 800 gramo ng pear shaped ham, P198 hanggang P211; Quezo de bola (pinakamaliit), P132; 1 kg. spaghetti, P65 hanggang P102; at 430 gramo ng fruit cocktail, P41.75 hanggang P50.25.

Hinihikayat naman ng DTI ang mga mamimili na magsumbong sa kanilang hotline number na-751-3330/ 751-0384, para sa kanilang reklamo o suhestiyon.  Para sa kumpletong listahan ng SRP ng mga noche buena products, ma­aaring mag-log on sa website ng DTI (www.dti.gov.ph) o kaya’y hanapin ang mga nakapaskil na DTI pos­ter sa mga pamilihan.

Show comments