Subic, bagsakan ng shabu patungong Central Luzon

MANILA, Philippines - Nababahala ang Phi­lippine National Police na nagagamit ng mga drug lords ang bayan ng Subic sa Zambales bilang transshipment point para makapagdeliber ng shabu sa iba pang bahagi ng Central Luzon.

Sinabi ni Supt. Arthur Salida ng Olongapo City Police na ang Subic na ginagamit ng illegal drug syndicates bilang sentro bagsakan at bentahan ng shabu na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at maging mula sa China ay ibinabagsak dito.

Sinabi pa ni Salida na nakakaalarma ang ulat na may  shabu laboratories sa Subic na nagpoprodyus ng mga ilegal na droga na ibinebenta sa mga nabibiktima, lalo ang mga kabataan.

Nababahala rin si Salida para sa Olongapo  dahil ang mga tulak mula sa Subic ay nagbebenta rin ng shabu sa mga residente ng nasabing lungsod, lalo sa mga kabataan.

Kabaligtaran ng Subic, bumaba ang antas ng krimen sa Olongapo dahil sa matinding kampanya ni Mayor James Gordon Jr. laban sa mga sindikatong kriminal. 

Ibinunyag pa niya na maituturing na ‘hot spot’ ang Calapacuan sa Subic dahil parang kendi lamang nabibili ang shabu.

 

Show comments