MANILA, Philippines - Matapos magbenta ng nakaw na sasakyan kaya inaresto ng mga awtoridad sa isang entrapment operation ang isang 46-anyos na lalaki sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Chief Insp. Rizalino Hernandez, hepe ng Manila Police District-Anti-Carnapping Unit (MPD-ANCAR) ang dinakip na si Romeo Bulaong, residente ng Marcosin St., Brgy., Gulod Novaliches Quezon City.
Si Bulaong ay inaresto dahil sa natanggap na impormasyon ng pulisya na nakaw ang ibinebenta niyang sasakyan na Mitsubishi Adventure (PIF-897), na kulay pula sa halagang P90-libo lamang.
Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon kamakalawa nang isagawa ang entrapment operation kay Bulaong sa Blumentrit Extension, Sampaloc Maynila.
Nagpanggap na buyer ng sasakyan ang mga pulis at nang beripikahin nila ang mga dukumento ng sasakyan sa Highway Patrol Group (HPG) ay nadiskubreng karnap nga ang kotse kaya inaresto si Bulaong.