Pumatay sa 3 kawani ng DPWH, tiklo

MANILA, Philippines - Nadakip kahapon ng pulisya ang pangunahing suspek sa pamamaril at pagpatay sa tatlong kawani ng Department of Public Works and Highway (DPWH) at pagkasugat ng apat na iba pa noong Biyernes ng gabi sa Mula­nay, Quezon matapos na magpalabas ng P200,000 reward money.

Ayon kay Chief Supe­rintendent James Melad, Calabarzon police director, na ang suspek na kinila­lang si Rommel Rocete ay naaresto ng ope­ratiba ng Quezon police sa Barangay 3, sa nasabing bayan.

Nasamsam sa suspek ang kalibre .45 baril na ginamit nito sa pamamaril sa mga biktima matapos na maaresto dakong alas-8:15 ng umaga sa kanyang hideout.

Ayon pa kay Melad, na si Rocete, ay isang da­ting martial art instructor ng Police Institute Trai­ning Group sa Quezon, ay positibong kinilala ng dalawang saksi na bumaril at nakapatay sa mga biktimang sina Roland Monterey, 28; Jason Rodelas, 23; at Celso Red, 24, at pagkasugat kina Zaldy Prado, 22; Leovino de Galicia, 44; Abraham Almero, 42; at  Menardo  Abella, 22.

Kinukunsidera ng pulisya na sarado na ang kaso matapos umamin si Rocete sa krimen.

Nabatid na lasing si Rocete ng mga oras na iyon at nainis ito sa pagparada ng sasakyan ng mga biktima na Mitsubishi L-300 van (SFA-586) na hindi pinatay ang kanilang headlights dahil sa bibili lang ang mga ito ng sigarilyo sa isang tindahan.

Tumakas ang suspek na sakay ng kanyang motorsiklo at nagtago ng apat na araw sa Barangay 3 hanggang sa ito ay maaresto kahapon matapos ituro ng tipster.

 

 

Show comments