Chairman nagbigti sa babuyan

MANILA, Philippines - Isang barangay chairman ang nagbigti sa kural ng kanyang mga baboy sa San Agustin, Isabela, kamakalawa ng umaga. Kinilala ni Isabela Provincial Police Office P/Sr. Supt. Franklin Moises Mabanag, ang nagpakamatay na biktima na si Solomon Mayor, chairman sa Brgy. Virgoniza sa bayan ng San Agustin.

Ayon kay Mabanag, ganap na alas-6:45 ng umaga noong Biyernes ng matagpuan ng kaniyang kapatid  na nakabigti gamit ang lubid ang bangkay ng biktima sa kanilang piggery sa Brgy. Virgoniza ng bayang nabanggit. Bago ang pagpapakamatay ay nakita uma­nong ilang araw ng tila may malalim na iniisip ang biktima na posibleng may malalim na problema.

Sa pahayag ng misis nito sa pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi noong Huwebes ay umalis ng kanilang tahanan ang kanyang mister at hindi umuwi hanggang sa madiskubre kinabukasan ng umaga na nagbigti sa kanilang piggery.

Ayon kay Mabanag, sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang kanyang mga tauhan para matukoy kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Show comments