Habang naghihintay ng masasakyan… Guro utas sa nakamotor

MANILA, Philippines - Isang guro ang pinagbabaril ng riding-in-tandem sa naganap na pananambang sa kahabaan ng national highway ng Menien West Villa, Sta  Barbara, Panga­sinan kamakalawa ng hapon.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Christopher “Sonny Boy” Gu­tier­rez, 38-anyos, residente ng Poblacion East sa ba­yan ng Calasiao.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan at idineklarang dead-on-arrival sa pinakamalapit na pagamutan.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon habang naghihintay ng masasakyang jeep ang biktima sa naturang highway sa bayan ng Sta. Barbara nang biglang sumulpot ang mga salarin na magkaangkas sa kulay pulang XRM  motocycle.

Pagkalapit sa biktima ay pinagbabaril ito ng dalawang suspek sa ulo at katawan.

Kapwa nakasuot ng helmet at kulay itim na t-shirt ang mga suspek na mabilis na nagsitakas patungo sa direksyon ng Urdaneta City, Pangasinan.

 

Show comments