Kidnaper nadakip sa mall

MANILA, Philippines - Nadakip sa Gateway Shoppers Center sa Zamboanga City nitong Martes ng alas-10:30 ng umaga ng mga otoridad ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na si Alga­ber Said alyas Talha.

Si Said ay sangkot sa serye ng high profile kidnapping sa Western Mindanao at may P600,000 reward kapalit ng kaniyang pagkakaaresto.

Nabatid na ang suspek ay siyang nagsilbing spotter sa Lamitan siege kung saan binihag at ginawang human shield ang mahigit 20 hospital staff at mga pasyente ng Dr. Torres Memorial Hospital sa Basilan noong Hunyo 2001.

 

Show comments