Boksingero inutas ng apat

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang boksingero ng apat na lalaki na kanyang nasalubong kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinilalang si Michael Corea, 27, ng Bulak St., Amparo Subdivision.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi ay naglalakad pauwi ang biktima nang salubungin ito ng apat na kalalakihan.

Hindi umubra ang pagiging boksingero ni Corea, dahil pinagtulu­ngan itong bugbugin  at pagsasaksakin ng mga suspek.

Mabilis na tumakas ang mga suspek nang duguang bumulagta ang biktima.

Show comments